FAVORITISM in classes, tama ba??

may binanggit si bob ong sa book niya sa favoritism sa ABNKKBSNPLako.. hindi ko lang matandaan ‘yung eksaktong mga linya..
pero tama siya.. para sa mga gurong kagaya ko, ang mga FAVORITES ang isa sa mga konsolasyon sa lahat ng sakit ng ulo at sama ng loob na nakukuha namin sa propesyong ito.. ‘yan ang pananaw ko bilang isang guro.. hindi ko ikakailang may mga batang nagpapagaan talaga ng mundo ko.. during breaktime lang naman o basta walang klase kami nagjajamingan.. pero pag oras ng klase, walang pabori-paborito kasi lahat sila kailangang matuto..

bilang estudyante naman noon, naranasan kong maging paborito.. at heaven talaga.. lahat ng contest na pwede akong isali, kahit wala naman akong “K”, GO pa din ang teacher ko na yon.. sobra ang paniniwala niya sa ‘kin kahit na ako sa sarili ko ni katiting wala..
lahat ng kaklase ko araw-araw niyang nasasabon at nababanlawan.. pero ako kahit 5 minutes ko na lang napapasukan ang klase niya, wala lang.. kahit nagkacutting classes ako at escape.. minsan hindi ako pumapasok sa ibang subjects ko na hindi siya ang teacher at sa kanya ako sumama sa klase niya, tuwang-tuwa pa siya.. minsan, adik din talaga ang mga teacher hehe:)

pero masaklap din namang maging most hated mammal.. as in.. pero the best thing about it is matututo ka talagang magsikap.. ‘yun nga lang lahat ng pagsisikap ko, tres lang din ang kinabagsakan.. pero sinasabi ko na lang sa sarili ko, AT LEAST NATUTO TALAGA ‘KO..

napakalaking bagay kapag natutunan nating magsikap sa sarili natin, ‘yung walang inaasahang iba.. dahil kahit saan ka ibato o ibalibag, kaya mong mag-bounce para mag-shine..



Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.