WIN-LOST

thAmerica/Los_Angelesp31America/Los_Angeles10bAmerica/Los_AngelesSat, 24 Oct 2009 23:00:27 -0700 21, 2008

Siguro kahit ga’no katibay ang isang bagay, if it’s meant to end, it will end.. It hurts me but I know there are people who feel the pain 10 times or even 100 times than i do.. i will surely miss the feeling of being called “BESTFRIEND”..


LAST DAY

ndAmerica/Los_Angelesp31America/Los_Angeles10bAmerica/Los_AngelesThu, 22 Oct 2009 07:55:16 -0700 21, 2008

hindi lang niya talaga makuha ang simpatya ko sa mga pagkakataon na may casualty at siya ang involve.. but when it comes to pakikisama, wala naman akong masasabi, wala naman akong narinig sa kanya kahit minsan sa kahit kanino na hindi maganda.. kahit medyo o.p. din ako kapag nagdidirty talk na siya, wala pa din akong masasabi.. haha:) nakakapagtaka ba? walang mabigat na words? o wala lang ako sa mood? anong nangyayari??? may sakit ba ‘ko? WALA!!! alam ko lang na hindi rin naman ako perfect teacher.. not even the best.. madami din akong mali at kulang.. kaya hanggang dito na lang ang masasabi ko.. goodluck to him..

HANGGANG SA TAGUMPAY, Sir Nomer..


FAVORITISM in classes, tama ba??

thAmerica/Los_Angelesp31America/Los_Angeles10bAmerica/Los_AngelesTue, 20 Oct 2009 06:02:44 -0700 21, 2008

may binanggit si bob ong sa book niya sa favoritism sa ABNKKBSNPLako.. hindi ko lang matandaan ‘yung eksaktong mga linya..
pero tama siya.. para sa mga gurong kagaya ko, ang mga FAVORITES ang isa sa mga konsolasyon sa lahat ng sakit ng ulo at sama ng loob na nakukuha namin sa propesyong ito.. ‘yan ang pananaw ko bilang isang guro.. hindi ko ikakailang may mga batang nagpapagaan talaga ng mundo ko.. during breaktime lang naman o basta walang klase kami nagjajamingan.. pero pag oras ng klase, walang pabori-paborito kasi lahat sila kailangang matuto..

bilang estudyante naman noon, naranasan kong maging paborito.. at heaven talaga.. lahat ng contest na pwede akong isali, kahit wala naman akong “K”, GO pa din ang teacher ko na yon.. sobra ang paniniwala niya sa ‘kin kahit na ako sa sarili ko ni katiting wala..
lahat ng kaklase ko araw-araw niyang nasasabon at nababanlawan.. pero ako kahit 5 minutes ko na lang napapasukan ang klase niya, wala lang.. kahit nagkacutting classes ako at escape.. minsan hindi ako pumapasok sa ibang subjects ko na hindi siya ang teacher at sa kanya ako sumama sa klase niya, tuwang-tuwa pa siya.. minsan, adik din talaga ang mga teacher hehe:)

pero masaklap din namang maging most hated mammal.. as in.. pero the best thing about it is matututo ka talagang magsikap.. ‘yun nga lang lahat ng pagsisikap ko, tres lang din ang kinabagsakan.. pero sinasabi ko na lang sa sarili ko, AT LEAST NATUTO TALAGA ‘KO..

napakalaking bagay kapag natutunan nating magsikap sa sarili natin, ‘yung walang inaasahang iba.. dahil kahit saan ka ibato o ibalibag, kaya mong mag-bounce para mag-shine..


ADIKKK!!!

thAmerica/Los_Angelesp31America/Los_Angeles10bAmerica/Los_AngelesMon, 19 Oct 2009 04:53:30 -0700 21, 2008
nakakatawa.. binasa niya pa talaga ang blog ko.. adik!!! super affected.. hindi ako makikipag-compete sa isang taong chaka to the highest level..
tama si V, it’s not about just selos, it’s inggit.. kasi ako ‘yung special someone.. ONCE.. ngehehe:) at least ibang level din ako noon.. at hindi niya ‘yon ma-reach kahit todo effort sa pag-dadrama.. hindi kasi siya maka-fisrt base.. kawawa naman.. ay naku, I’m being too bad na naman.. anyway,  tama na naman ang nanay ko “once is once and that’s past”..
who said na mature ako? wahaha:) ‘di niya talaga ako kilala.. siya na lang ang mature kung gusto niya.. ilang taon na ‘ko? sweet 18, 5 years ago.. haha:)
sige lang ang pagpatol sa ‘kin.. galingan niya naman.. hindi siya maka-resbak.. mag-sumbong nalang siya sa nanay at tatay niya to prove kung ga’no siya talaga ka-MATURE gaya ng pinagyayabang niya..
bago niya ko i-criticize, idiretso niya muna ang dila niya.. paling-paling na nga tagalog, mali-mali pa ang grammar.. iwwww..sama pa ng ugali.. kung wala lang siyang pakialam, she wouldn’t waste her precious time reading this..
ano bang paki niya kung gusto kong i-blog kung ga’no siya kasinungaling.. batikusin niyo man ako o makisimpatiya kayo sa ‘kin, karapatan niyo ‘yon at malaya kayo sa anu mang damdamin ang nais niyo..
blog ko ‘to.. akin ‘to.. nasa akin lahat ng karapatan ano man ang gusto kong i-post dito.. kaya nga ‘to ginawa para i-express natin ang mga sides natin ‘di ba? ano pa man ‘yon..
anyway, salamat sa kanya sa entertainment.. nabu-boost ang pagiging autistic ko.. lalo na ngayong masyadong busy.. nakakawala ng stress.. thank you! thank you! thank you!

THE GIRLALOO.. GrRrR..

thAmerica/Los_Angelesp31America/Los_Angeles10bAmerica/Los_AngelesSat, 17 Oct 2009 04:43:32 -0700 21, 2008

pasalamat siya at hindi ko siya nakikita.. kundi, sasabunutan ko siya talaga ng sasabunutan..

ako??? humingi ng tulong sa kanya??? HUH!!! the least I would do..

HELLO NAMAN.. nalungkot man ako pero hindi naman tumigil ang mundo ko when we broke up..
i admit there were points na nagkacracked talaga ako, paulit-ulit gumuguho ‘yung mundo ko, pero that’s life ‘di ba?

oo, when you really love someone, gagawin mo lahat, hanggang may laban, you would take all the risks, whatever may take.. pero siguro those times na i’ve been trying to save “US” made me realize that is not worth the fight anymore.. i should let go completely..

umiyak naman ako.. iniyakan ko din naman talaga ‘yon noon.. pero gaya nga ng lagi kong sinasabi, wala namang hindi nababago ang panahon..
ngayon, iba na.. iba na ‘yung damdamin ko.. maybe, i just learned to accept that some things, some dreams, some people, like me and him, are not meant to be..


SUPER PEPENG

thAmerica/Los_Angelesp31America/Los_Angeles10bAmerica/Los_AngelesSun, 11 Oct 2009 02:58:32 -0700 21, 2008

second time ko sa bubong namin.. inisip ko na lang nag-camping lang kami or rover vigil na madaming activities.. haha:) hanggang leeg lang naman ‘yung inabot ng tubig sa loob ng bahay namin, leeg ng tuta.. pinaglinis lang talaga kami ng buong bahay namin kasi magpapasko na.. MERRY CHRISTMAS!!! be happy.. we are still alive!